CHILD ABUSE ON WILLING WILLIE SHOW OF TV5 (by Froilan Grate)


Guest

/ #176 Isip!!!

2011-04-02 12:05

Dun sa nagsabi na walang kasalanan si Willie - hello - bilang thinking adult dapat alam nya kung kailan patitigilin ang isang bata sa kanyang ginagawa. Kung isang beses lang sumayaw si Janjan baka matanggap ko pa pero yung paulit ulitin na parang hindi nag iisip ang mga taong nakapaligid sa kanya na di na tama ang nangyayari, hindi na katanggap tanggap iyon. Willie has all the chance na matigil na ang pagsasayaw ni Janjan pero ano ang ginawa niya pinaulit ulit pa. Pareho lang siya ng kamag anak ni Jan jan na ang tingin sa pangyayari ay nakakatuwa at pagkakaperahan. Ganoon na ba talaga tayo - basta kumita kahit mawala na ang dignidad ok lang. Sana mag isip muna kayo at isipin ninyo kung sa anak nyo nangyayari ang ganoon, matutuwa ba kayo?