CHILD ABUSE ON WILLING WILLIE SHOW OF TV5 (by Froilan Grate)

Gracias
Guest

/ #186 Para Presidente???

2011-04-03 14:20

Nakakabahala na ang susunod na presidente ng Pilipinas ay ang taong iniidolo ngayon ng mga taong nabubulag sa mga pretensiyosong kawanggawa ng Willing Willie. Ang kanyang kultura na ang ipinasok na sa mga tahanan ng mga Pilipino, kulturang kurap, na nag eengganyo ng bastusing imahen ng kababaihan, mababang pagpapahalaga sa dignidad ng ibang tao, babae, lalaki, bata o matanda...Di na nga kailangang pumunta ng kalalakihan sa "beerhouse" dahil ang kailangan na lang ay buksan ang telebisyon at manood ng mga gumigiring katawan na halos kakapiranggot ang kasuotan, na kung utusan ni Willie na parang pag aari niya. Kahit ang mga kabataan o mga musmos ay libreng makapanood ng ganitong klaseng palabas...kay baba na ng ating imahen BILANG TAO.