xpresslink

gieo

/ #30 Illegal Gambling sa gilid ng Araneta Center Cubao LRT Station

2011-05-07 03:24

Gusto ko pong ipagbigay alam sa inyo ang matagal ng operasyon ng ilegal na sugal (color game at bingo) dito sa kanto ng west point street corner aurora boulevard sakop ng barangay E. Rodriguez. Maraming kabataan lalo na mga estudyante at minor de edad ang nalululong sa sugal. Nagmistula na ring POLICE DETATCHMENT NA DIN ANG NASABING SUGALAN sa dami ng pumipilang pulis na nakauniporme gamit ang mobile patrol at ang iba ay motorcycle para mangotong. May PRESS din na humihingi ng lagay na nakasuot ng vest na may tatak na KBP at naka ID pa ng PRESS. Mayroon ding mga barangay staff na nangongotong. Alam kaya ng barangay CAPTAIN DANILO TAN ang ginagawa ng mga tauhan nya? Nakakahiya po ang lantarang pangongotong ng mga pulis. Sana po ay mabigyan nyo ng AKSYON ang sugalang ito sa lalo na ngayong malapit n ang pasukan sa eskwela. Sana po ay mabigyan AKSYON ang sumbong ito. MARAMING SALAMAT PO.