xpresslink

Kristina

/ #241 Re:

2011-08-30 06:58

#18: -

Ako po si Kristina Paner,23 years old from #120 San Francisco Calihan San Pablo City Laguna. Ako po ay naaksidente kasama po ang aking kaibigan nuong July 16 2011 humigit kumulang alas 10 ng gabi dito lang din po sa barangay namin sa calihan. Kami po ay binangga ng isang lasing na driver ng jeep na hanggang ngayon po ay nag tatago pa bali po ang aming mga buto katulad ko po fractured po ang aking left leg at ang aking left elbow na kinailangan pong operahan ganun din po sa kasama ko. Ako po ay nasa hospital ng halos dalawang linggo, ngunit wala pong napuntang pulis para kuhanan kami ng statement kahit kami ay naka pag pa blotter na.. kaya po mula ng akoy makalabas nag punta po kmi ng kaibigan ko na kasama kong nabangga sa pulis station upang mag bigay ng aming statement sa pulis.. nuong August 1 2011. At kami po ay naka panumpa sa piskal nuong aug 5 2011.  Habang nag aantay po kami ng aming subpoena nalaman po namin na nai-release na po ang jeep sa kapitolyo at ngayon ay bumibyahe na. At ang driver na nagtatago ay nagtatrabaho na sa Maynila ang pangalan po ng driver ay RODEL DANILA y POPAN at ang plate number po ng jeep ay VAC 986 na kanya pong pag-aari. Pwede po bang mangyaring mai release ang jeep habang nag iintay po kami ng kaso? Hindi ko po alam kung anong mangyayari sa aming kaso sa kadahilanang po sila ay may abogadong kumikilos,kami naman ay walang abogado dahil wala kaming pambayad dito.
Ang samin lang naman po ay ang maibalik ang lahat ng perang nagastos namin sa hospital at mga gamot na binili namin at magagastos pa po namin habang kami ay nag papagaling. At bayaran po ang mga buwan na hindi kami makakapag trabaho ayon sa aming kinikita sa araw araw. Kami po ay mahirap lamang at ako po ang bread winner sa aming pamilya. Umaasa po kami ng tulong ninyo Maraming Salamat Po.
Maari po ninyo ako i-email sa khata_hal@yahoo.com.ph o tawagan po sa 049-503-1410/ 0912 6290 201.