Resumption of Provincial Bus Operation in Quezon Province and Region V

Sa mga minamahal na pasahero at mga kaibigan,


Ako po si Dan Joseph Mark O. Esplana o mas kilala ninyo sa pangalang "Dan Mark Esplana", 26 anyos, tubong Camarines Norte at nagseserbisyo sa Superlines Transportation Co., Inc. bilang isang Online Monitoring. Ako po ay taos pusong nananawagan sa inyo na kami pong mga nasa sektor ng Provincial Bus Operation ay tulungan ninyo na makapagpetisyon sa mga LGU na maibalik ang operasyon ng Provincial Bus sa lalawigan ng Quezon at Bicolandia.

Kung inyong matatandaan buhat ng magkaroon ng lockdown dulot ng COVID-19 ay tuluyan pong nahinto ang operasyon ng mga Provincial Bus gaya namin dito sa Superlines, upang hindi na kumalat ang sakit sa mga lalawigan. Ngunit sa paglipas ng mga buwan ay tila kinalimutan na ng mga namamahala ang aming sektor. Bukod dyan, naglipana naman ang mga colorum na van for hire na naghihikayat ng mga pasaherong uuwi ng probinsya. Tila walang kwenta ang paghihigpit ng ilang LGU sa mga lalawigan dahil isang sektor lang ang kanilang pinatigil at yung iba naman ay hinahayaang maglabas-masok sa kanilang lalawigan.

Kaya't kami po'y taos pusong nakikiusap sa inyo, na tulungan niyo kaming maipetisyon sa mga kinauukulan ang aming nais na sana magkaroon na ng resumption ng byahe, upang makabalik na kami sa aming paghahanap-buhay, gayun din naman imbestigahan kung papaanong nangyayari ang paglalabas-masok ng mga colorum na van for hire at masukol ang mga naturang colorum na gumagamit ng pangalan ng mga bus companies.


Hanggang dito na lamang po! Ang Dios ang patuloy na mag-ingat sa ating lahat sa panahong ito ng pandemya.

 

Lubos na naglilingkod at nagmamalasakit,


Dan Joseph Mark O. Esplana

(a.k.a, Dan Mark Esplana)

Online Monitoring, Superlines


SIGN A PETITION NOW