SAVE THE LIFE OF DONDON LANUZA, OFW on Deathrow, KSA

Few days ago someone invited me to support a group named "HELP SAVE A LIFE, SAVE DONDON LANUZA FROM DEATHROW!".  A group that hopes to help Dondon Lanuza's case in Saudi Arabia.  I felt terribly sad when I learned about the story of our fellow Filipino in Saudi Arabia, and how his sympathizers use the virtual world to gather every possible help they could get to help him get out of jail. And I couldn't help myself but to empathize for Dondon as well.  As I was reading his stories and watching some of his supporters videos asking our government to do something about Dondon's case, I felt the urge to help in my own little way. That is why I'm writing this article about Dondon Lanuza's Case in Saudi Arabia.


Dondon Lanuza has been convicted for Murder in August 2000 and was sentenced to death by beheading on June 10, 2002 for killing a Saudi Arabian national.  He already suffered more than 12 long years in Damman Reformatory Jail and is now waiting for the final verdict of the eldest son of the said Arabian National, who will turn 18 years old 2 years from now.  If Dondon Lanuza will fail to come up with the agreed amount, that might probably pursue the implementing of the beheading.

I believe our government has ears to listen. I am addressing our President Benigno S. Aquino III in behalf of Dondon Lanuza's friends and family and those people who supports him to please, please do something on Dondon's case.  I'm begging you Mr. President, there is a man out there on the brink of his death in a foreign land and a son to his parents and a friend to his friends, appealing for your help that his killing of the Arab National was an act of self-defense.  Let us not turn a blind eye on this case Mr. President. I have high hopes on you. The clock is ticking and he is racing against time.

I am working in a foreign land and I understand how difficult it is to live in a country with different cultures.  How much more if you languish more than a decade there in prison?  This guy is in dire straits and he needs our government's help.  To those people who is now reading this article, please spread the link and support Dondon's Official Facebook Pages, Groups and Website.

Let's not argue on who is to be blamed here people and I'm not here to discuss my disgust in our government's international policy either.  Let's just do something to help Dondon Lanuza. It is our responsibility as a fellow Filipino.  Let's help save the life of Dondon Lanuza, OFW on Deathrow since August 2000.

To Dondon Lanuza, and his family please be strong and never give up the fight against life's blows.

 

- From a concerned citizen

=====================================================================

PARENT'S APPEAL

 

Dear Sir/Madam,

We, Edilberto & Letty Lanuza, the parents of Rodelio ‘Dondon’ Lanuza, whose freedom is almost within his reach after surviving 12 years behind bars in KSA, are in dire need of your help.  His liberty is still threatened if he's not able to come up with the blood money agreed upon with the aggrieved family.

Our son was a Draftsman of Arab-American Company (ARAMCO) in Saudi Arabia. Last August 10, 2000, at the age of 25, he was jailed for accidentally killing a colleague in defense of his honor and dignity, and was sentenced to death by beheading.  In February 27, 2011, through the efforts of the Philippine Embassy and the Saudi Reconciliation Committee, forgiveness by the aggrieved family was granted to our son in exchange of Three (3) Million Saudi Riyals or Thirty-five (35) Million Pesos BLOOD MONEY. However, since President Benigno S. Aquino III assumed office, NO BLOOD MONEY POLICY for OFWs on Deathrow was imposed.

In this trying time, we would like to make an appeal to your good hearts to sign this petition to the President of the Republic of the Philippines, to reconsider my son’s case and help us gather the remaining balance of the said blood money. 1M Saudi riyals (10.6M pesos) donations have already been pooled from generous individuals out of which is 4.5M pesos (400,000SR equivalent) from DFA Fund. Despite that amount, there remains a balance of 2M Saudi Riyals (24.4M pesos), an amount too impossible for us to gather at this time.

It's been 1 year & 11 months since he was forgiven. The aggrieved family may take back the forgiveness granted to our son, if we cannot come up with the agreed amount the soonest possible time. We fear that all the support, prayers and work that people have done for him will be wasted if in the end he may not come out alive.

Please help us save my son's life. We cannot make it without your benevolent help. We place our remaining hope for Dondon's freedom with your proactive response on this on-line signature campaign.


Thank you for giving your precious time on this on-line signature campaign. We would be very grateful to receive your help to achieve our son’s FREEDOM.

 

Sincerely,

 

Mr. & Mrs. Edilberto Lanuza

Dondon Lanuza’s Parents

 

===========================================================================

APPEAL OF RODELIO 'DONDON' LANUZA

 

Dear Sir/Madam,

 

I would like to ask from you to spare a moment of your time to hear me out. It’s been 12 years and 5 months since I was locked up in jail for the crime that I believe have compensated for with what I have languished in the four corners of my cell block. For more than 12 long and agonizing years, I have been praying for the family of the bereaved to pardon me with what I have done to them. My prayers and that of other people who supported me were answered when the time came that they have forgiven me and was willing to give back my most awaited freedom in exchange for blood money.

For 1 year and 11 months, their family has been patiently waiting for me to come up with the agreed amount. I have had sleepless nights wondering and yearning if I could ever get out with my sanity intact more so with my life still existing. News of people being beheaded in the early dawn still linger in my heart, making me thankful for being alive, just alive and breathe another day. The support and the untiring help of the Filipino community and associations as well as private individuals have touched not only my life but also that of my family that to see it be put to waste is something I can never bear. I am almost there.

I once again appeal to the kind hearts of the Filipinos and my sisters and brethren alike to continue helping me out. God has given a benevolent person to help me out in my predicament who will put up the same amount I can generate to make my freedom come to its reality. For every drop off kindness you give I believe shall be rewarded a thousand fold if not my utmost and sincere gratitude I return knowing you have tried to extend the life of another human being.

I too, am an OFW who had hopes and dreams that one day may give my family a bright future ahead. I still long for the time that I may be able to see that dream come to its reality. I implore you to extend my life.

My hopes for the government to extend their help has not yet waned since I do believe it will just take some more reminding and clamor from everyone for them to remember that a Filipino life is worth being valued. I pray it will come soonest. From the embassy up to President Benigno Aquino III amidst the problems besetting our country I implore you to come out with your full support and help me obtain the necessary amount for my freedom to be realized.

Thank you so much and God bless us all.

 

Sincerely,

 

Rodelio 'Dondon' Lanuza

OFW on Deathrow

Since August 10, 2000

 

===========================================================================

The Untold Story of Dondon Lanuza

 

Hindi ko alam kung sa papaanong paraan ko sisimulan ang aking kwento, kung papaano ko maipapaabot ang aking saloobin, kung papaano ko isasalaysay ang buhay ng taong nasa death row.

Ako si Rodelio 'Dondon' Lanuza, 38 anyos, isang OFW na kasalukuyang nakakulong at nahahanay sa parusang kamatayan sa salang pagtatanggol ng aking sarili laban sa isang Arab national sa Saudi Arabia. Ako ay nakulong noong ako ay 25 anyos pa lamang. Higit labing dalawang taon na akong nagdurusa at patuloy na umaasa na balang alaw ako ay makakalaya. Hindi biro ang dinaranas kong mga paghihirap at pakikisama sa loob ng apat na sulok ng seldang ito na sa hinagap ko ay hindi ko naisip na ako ay masasadlak sa ganitong kalagayan.

Ako ay nagtamo ng mga saksak sa leeg, kamay at sa tuhod na ginamot ng aking mga kapit-bahay. 18 katao ang tumulong sa akin subalit sila ay nadamay at nakasuhan ng conspiracy. Sila ay nahatulan ng isa't kalahating taong pagkabilanggo at 360 bilang na palo. Matapos ang bangungot na gabing iyon, ako ay sumuko kay Hon. Rafael Seguis, ambassador noon sa Saudi na kasalukuyang Undersecretary ng DFA. Alas-dose ng hatinggabi, Aug. 10, 2000, ako ay sumuko sa mga pulis. Doon na nagsimula ang kalbaryo ng aking buhay.

Ako ay itinuloy agad sa bartolina na may sukat lamang na 3 x 6 metro na may higaan at kubeta na. Higit dalawang taon ng kadiliman, puno ng hinagpis, pagluha at pagsisisi sa aking nagawa. Sa oras ng pagkain, kailangan ko pang abutin sa labas ng mataas na rehas at paisa isang subo ng pagkain. Abot-subo-abot-subo. Halos mawala ako sa aking katinuan at dalawang beses na tinangkang kitilin ang sariling buhay. At sa tuwing binubuksan ang pinto ng bartolina para sa oras ng pagpapaaraw, ako ay tila isang aso na ang buntot ay kakawagkawag sa tuwa na sa wakas ay makakakita uli ng liwanag at makakalanghap ng sariwang hangin.

Matapos ang dalawang taon, isang buwan at labing siyam na araw, ako ay nailipat na sa regular na selda kasama ng ilang kapwa pinoy at ibang lahi. Ngunit ilang araw bago iyan, ako ay pansamantalang natutulog sa pasilyo ng piitan na dyaryo lamang ang higaan. Ang pagkaing rasyon ay nakalagay sa supot at dun na din ako kumakain. Minsan kung mamalasin ka, may uod at ipis ang kanin at ang tubig ay kalawangin. Nagtiis ako sa ganung kalagayan hangga't sa ako ay nagkaroon ng espasyo sa loob ng Section 3 ng Dammam Reformatory Jail.

Tuwing court hearings, mag-isa kong ipinagtatanggol ang aking sarili sa kadahilanang wala daw pondo ang embahada para sa aking abogado. At ang masaklap pa ay tinatamo ko ang masasakit na sampal, dura, mura, sipa, at suntok mula sa mga kamag-anak ng aking napatay. Kailangan kong tiisin at naiintindihan ko ang kanilang hinagpis sa pagkawala ng kanilang mahal sa buhay. Ilang libong beses ko man sabihin na ipinagtanggol ko lamang ang aking sarili ngunit wala akong kalaban laban sa galit at poot na kanilang nararamdaman.

Noong ako ay bago pa lamang, lahat ay ginagawa ko para lang mairaos ang pang-araw araw na pamumuhay. Ako ay naglalabada, naglilinis ng mga selda at nagkakarpentero. Minsan kapag walang makain, ay umaasa na lamang sa mga tira tira ng mayayamang arabo na kapwa preso. At minsan ay naghahalukay sa basurahan, hindi alintana ang panganib na mikrobyo para maibsan ang pangangalam ng aking sikmura.

Sa loob ng higit labing dalawang taon, iisa lang ang bangungot sa aking pagtulog, iyon ang pagpupugot sa aking ulo at nagigising na lamang ako sa sampal ng aking mga kasamahan. Nagigising na pawis na pawis, takot na takot, masikip ang dibdib at naluluha na lamang ng kusa. Tuwing ika-apat ng madaling araw hangga't ika-siyam ng umaga ang pagdukot sa selda ng tao para pugutan at sa oras din yun ako ay sobrang balisa at nanginginig sa takot na baka ako na ang susunod nilang dukutin para pugutan. Ilang beses na rin ako naging saksi sa pagpugot ng ulo dito sa loob ng kulungan. Gabi-gabing bangungot at araw-araw na nabubuhay na puno ng takot, pangamba, pagluha, kalungkutan at pagsisisi.

Sa loob ng higit labing dalawang taong pagkabilanggo ay iba't ibang uri na ng tao ang aking nakasama. At dahil ako ay isang beteranong maituturing, sa tuwing may bagong pasok na preso, ako na mismo ang nagbibigay ng lahat ng pangunahing pangangailangan kagaya ng kumot at unan. Ako na rin ang naging takbuhan ng mga naaapi at nangangailangan. May ilang kasamahan na rin ako na naging kaibigan, nakakasama sa pagkain, nakakabiruan at nakakakwentuhan, na napugutan na ng ulo. Masakit ngunit natutunan ko na lang tanggapin ang mapait na katotohanan.

Sa matiyagang pakikipagnegosasyon ng Saudi Reconciliation Commitee at sa tulong ng embahada, ako ay napatawad ng pamilya ng aking napatay noong Pebrero 2011 kapalit ang 35M Pesos o 3M Saudi Riyals. Sa tulong ni Mrs. Loida Nicolas Lewis at ng lahat ng taong sumusuporta sa kampanya para sa aking kalayaan, kami ay nakalikom na ng 10.6M Pesos. Subalit kulang na kulang pa para mapunuan ang nasabing halaga upang makamit ko ng tuluyan ang aking kalayaan.

Nagbakasakali ako na gamitin ang facebook social networking para sa aking kampanya. Marami ang tumutulong, sumusuporta at nagdadasal ngunit marami din ang umalipusta. Kaliwa't kanang batikos, mura at panlalait ang dinaranas ko araw araw. Ako ay nagmistulang buhay na patay na walang karapatan na magkaroon ng pangalawang pagkakataong mamuhay ng normal at malaya. Marami ang nagtatanong nasaan ang pamilya mo at tila ikaw ay nakalimutan na? Ang aking mga magulang, kapatid at kamag anak ay walang humpay sa kanilang suporta, dasal, pagmamahal at tulong pinansyal simula't sapul pa. Hindi man sila aktibo sa kampanya sa facebook at twitter, pero lagi silang nandiyan at tahimik lamang na kumikilos para sa aking kalayaan.

Isa sa mga pinakamahirap na gawin ay ang tanggapin ang katotohanan na balang araw ako ay mamamaalam sa aking pamilya para harapin ko ang hatol na kamatayan. Ngunit sa mga nararanasan kong paghihirap araw-araw ay parang unti unti na rin akong pinapatay. Pinapatay sa mga panlalait, batikos at pagmamaliit ng aking kapwa sa aking pagkatao. May mga araw na nawawalan ako ng pag-asa at gustong sumuko na lamang sa buhay. Subalit kailangan kong magpakatatag para sa aking mga magulang at mga kapatid.

Ang buhay preso ay parang laro na ang matira ay matibay. Inaamin ko napakaliit ng pag-asa ko na makalaya. Sa laki ba naman ng kakulangan pa sa pondo, isang napakalaking milagro ang kailangan upang ito ay mapunuan. Ang buhay ay parang tsubibo na minsan ay nasa itaas, minsan naman ay nasa ibaba. Kailangan lang matutong makibagay at makisama sa lahat ng oras. Ang aking buhay ay maihahalintulad ko sa isang pangkarerang sasakyan na kailangang tumakbo ng matulin upang makarating sa finish line. Ngunit bago ko marating ang tagumpay, kailangan ko munang dumaan sa matinding pagsubok. Pwedeng maubusan ng gasolina, pwedeng sumabog ang gulong, pwedeng magkagitgitan ang mga katunggaling sasakyan at kung hindi papalarin ay maaaring kusang hihinto na lamang ang sasakyan at maungasan ng mga katunggali. Ngunit patuloy pa rin akong umaasa na balang araw ako ay mananalo sa laban at sa mahihirap na hamon ng buhay.

Sa loob ng labing dalawang taon, ang lagi kong tanong ay kailan ko kaya makakamtan ang kalayaan? Kailan ko matatamasa ang tamis ng buhay? Kailan ko mayayakap muli ang aking mga mahal sa buhay? Mga katanungan na pilit kong hinahanapan ng kasagutan sa gitna ng aking pagdurusa sa loob ng piitan. Freedom, masarap pakinggan subalit mailap ang kapalaran. Sadyang ako ay sinusubukan. Ang mga maling nagawa ay akin nang itinatama at ang mga tamang hindi ko nagawa ay pangarap kong gawin sa aking paglaya.

Tulungan ninyo po akong makamtan ang aking kalayaan. Nagmamakaawa po ako sainyo. Ang inyong mga tulong pinansyal, suporta at dasal ay taos-puso kong pinasasalamatan.

Maraming salamat po sa inyong pagbibigay oras sa aking salaysay. God bless everyone!

 

===